Now Playing Tracks

gwapongred:

Sa pagdating ng kung ano anong apps at kung ano-anong paraan ng komunikasyon, nababawasan na talaga ang oras sa pagtetext ng ilan. Di na nga raw uso ang text, gastos pa. Pero syempre di maiiwasang magload pa rin lalo na kapag may kaylangan talagang itext. 

Pero kung ganito  ba naman ang makaka-text mo, huwag na lang.

  1. Hanggang isang text lang ang kaya. Yung isang text lang at kapag nagreply ka na, wala na. Yung kung umasta naka regular load sa tipid magtext.
  2. One word reply. Dami mong sinabi at ang reply, OKAY. Mas masakit kapag “K” o kaya “Ge”. 
  3. Semi-baliw. Yung puro tawa lang ang alam i-reply. Sana nagtawanan na lang kayo no? Hahaha, Hahaha too, Hahaha din, Hahahahaha. lol
  4. Pengeng topic. Yung totoo? Guess the topic ba to? Haha. Ang korni kaya kapag sasabihin, sige bigay kang topic. Woah!
  5. Musta-Gawa-Kumain ka na? Yan ang sunod sunod nyang reply matapo s ang “Hi”. Pagkatapos nyan, *kroo kroo* na. Kung hindi ka nyan hihingan ng topic, malamang di na yan magreply.
  6. Biglang nawawala. Biglang nawawala. At ang mas masaklap? Kung kelan nasa kasarapan kayo ng usapan eh. Ayos no? Madalas tinulugan ka o kay ma-cut na pala ang unli, di pa nagpaalam.
  7. GM lang ang alam. Sa totoo lang di mo sya makatext kasi puro GM lang ang natatanggap mo. Di  naman nagrereply. Sadyang gusto lang nyang gawing diary ang inbox mo.
  8. Makupad magreply. 30 minutes ang pagitan ng reply. Linya pa nyan, “Sorry walang signal” o kaya “Sorry may ginawa lang”. Weh?
  9. Double send ang trip. Minsan nga mas madami pa. Ganado mag send. Alam naman sanang unli sya, pinapatunayan pang masyado.
  10. Sa text lang magaling. Syempre di mawawala ang mga ganitong katext. Daming alam sa text pero sa personal, nganga, di ka na kilala. Hanep.

Pero kung si Crush ba naman ang gagawa nito, kahit blank message pa yan. Sapat na! Hahahahahahah!

To Tumblr, Love Pixel Union